Una sa Balita

Pagpapadala ng balikbayan box pinaluwag ng BOC

By
0 265

PINALUWAG ng Bureau of Customs (BOC) ang panuntunan sa pagpapatupad ng P150,000 duty at tax exemption sa mga balikbayan.

Alinsunod sa inilabas na memorandum order, sa halip na paghingi ng kopya ng pasaporte ay maaari nang magpakita ng ibang dokumento na magpapatunay ng citizenship na Pilipino ang nagpadala ng package.

Binigyang-diin pa ng BOC na ang mga puwedeng mag-avail sa P150K duty at tax-free privilege ay hindi rin kailangang magsumite ng commercial invoices ng mga laman ng balikbayan box.

Gayunman ay pinaalalahanan ng BOC ang mga nagpapadala ng balikbayan box na dapat ay personal at gamit sa bahay lamang ang mga ipadala.