Una sa Balita

Pagpapaalis ng US troops ‘notice’ lang: Malacañang

0 1

“Those statements are not policies set in stone.”

Ito ang naging paglilinaw ng Palasyo ng Malacañang sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na gusto na nitong mawala ang tropang Kano sa Mindanao.

“It’s not a policy yet…Nobody acted on it yet. It serves as a notice,” giit pa ni Presidential spokesman Ernesto Abella sa harap ng mga mamamahayag itong Martes.

“The conversation of the President is very layered. It can be interpreted at a number of layers,” dagdag pa nito.

Aniya pa, bagamat sinisilip na bawat pahayag ng pangulo ay polisiya, hindi nangangahulugang ito ay awtomatiko nang polisiya pero “basis of policy”.

Nitong Lunes sinabi ni Duterte na dapat nang lisanin ng tropang Kano ang Mindanao at isinisi pa sa Amerika ang pagiging matigas ng mga militanteng Muslim sa rehiyon.

“The real reason why there is conflict in Mindanao is because Muslims don’t trust lowland Christians due to connections to Americans,” paliwanag pa ni Abella.

Kaugnay nito, walang timeline ang pamahalaan sa sundalong Kano para lisanin ang Mindanao dahil “injuction” lang ito o “warning”.

“He’s laying a notice that really while you (US troops) are here, there will be conflict, it’s not safe for you.”