Una sa Balita

Pagmamakaawa ni Vicki Belo binalewala ni Hayden Kho

0 977

Binalewala ni Hayden Kho ang pakiusap ng kanyang asawang si Vicki Belo na huwag itong lumabas ng bahay para sa project nito na may kinalaman sa mga frontliner.

Nakaposte sa Instagram ni Hayden ang ilang larawan sa isang food commissary o kitchen resto. Sa caption, sinabi ni Hayden na naghahanda at nagluluto sila ng fresh cooked meals para maipahagi sa maraming medical frontliner sa buong Metro Manila, kasama ang kaibigang si Tim Yap at iba pa.

Naniniwala si Hayden na kulang ang pagkain ng mga frontliner at kailangan ng mga ito ng lakas para maasikaso ang mga pasyenteng positibo sa COVID-19.

Sa comment ni Vicki, sinabi niyang nagmakaawa at pinigilan niya ang asawa na huwag na itong prumonta at ipaubaya ang trabaho sa staff pero ayaw raw paawat ni Hayden.

Takot man para sa kapakanan ni Hayden, pinuri at pinasalamatan ni Vicki ang asawa sa pagmamalasakit at kabayanihan nito sa mga kapwa medical personnel. (Rey Pumaloy)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More