Una sa Balita

Paglubog pinigilan ni Gonzaga, Pacific

0 209

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Center)
4:00pm — Air Force vs Chef’s Classic
6:00pm — PetroGazz vs Motolite

TINULDUKAN ng Pacific Town-Army Lady Troopers ang three-game skid nang akbayan nina Jovelyn Gonzaga at Honey Rose Tubino sa 25-18, 25-18, 25-13 panalo kontra Chef’s Classic Lady Red Spikers sa Premier Volleyball League Season 3 Open Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Nagsanib-puwersa sina veteran Gonzaga at Tubino upang putulin ang kamalasan ng Lady Troopers at pagandahin nang bahagya ang kanilang karta sa 3-3.

“Bahagyang na-relieve kasi ang three-game losing streak namin very uncharacteristic nga,” saad ni Army coach Kungfu Reyes.

Nilista muna ng Pacific Town-Army ang 2-0 card bago lumasap ng tatlong sunod na panalo.

Tumikada si Tubino ng 12 points habang nag-ambag sina Gonzaga at skipper Ging Balse-Pabayo ng 10 at siyam na puntos, ayon sa pagkakasunod.

Ipinakita ng Chef’s Classic Lady Red Spikers ang kanilang tikas sa kaagahan ng laban sa first set, hinabol nila ang limang puntos na pagkakalubog upang itabla ang iskor sa 14-all.

Subalit rumesponde agad sina Gonzaga at Tubino upang ilayo ang iskor at makuha ang panalo sa unang set.

Namuno sa opensa para sa Lady Red Spiker si team captain Justine Tiu na may pitong puntos, wala pa rin silang panalo sa anim na laro. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy