Una sa Balita

Paglobo ng populasyon kasalanan ng simbahang Katoliko – Duterte

By
0 736

MISTULANG isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katoliko ang mabilis na paglobo ng populasyon ng Pilipinas.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa business forum sa Amman, Jordan kung saan nakaharap ang iba’t ibang business leaders.

Sinabi ng Presidente na kaya hindi mapi­gil ang paghahanap ng trabaho ng mga Filipino sa labas ng bansa dahil mahirap ang trabaho sa bansa.

Pangatlo aniya aniya ang Pilipinas sa may pinakamaraming ipinapanganak na sanggol at hindi ito mapigilan dahil sa pagtutol ng simbahang Katolika sa mga paraan para mapi­gilan ang sunod-sunod na pagbubuntis.

“We have a lot of Filipino in good numbers and they are here to make a living because things are pretty hard up. And Philippines is somewhat the third largest producer of babies eve­rywhere. We are hitting the 110 million Filipinos and it keeps growing eve­ry day,” anang Pangulo.

“And because of some religious disputes, family planning, in whate­ver form is always taboo to — sorry to say this in public — by the Roman Catho­lic Church,” dagdag pa nito.

Sinabi ni Duterte na tinututulan ng simbahan ang programa ng gobyerno para makontrol ang pagdami ng populasyon ng bansa.

“And so for other religious people, we cannot really control them because it would be at the expense of the religious hierarchy. But then again, I have been openly advocating for it ever since I was mayor,” dagdag pa ni Duterte.