Una sa Balita

Paglobo ng populasyon kasalanan ng mga pari

0 408

By Aileen Taliping

Isinisi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Simbahang Katolika ang pagl­obo ng populasyon ng Pilipinas.

Sinabi ng Pangulo na isa ng ‘baby machine’ ang Pilipinas dahil nasa 110 million na ang bilang ng mga Pilipino.

Pinigil aniya ng Simbahang Katolika ang mga programa ng gobyerno para sa family­ planning at birth control dahil sa turo ng simbahan na ang pagkakaroon ng maraming­ anak ay biyaya ng Diyos.

“We are the fastest, ang population. And I squarely blame the Catholic Church. Sila lang ang nagpipigil ng family planning. Kaya pinigilan nila yan eh. They think that just spewing put human beings by the millions every year is a gift from God and promoting…well not this generation but four or five gene­ration, to your lament, you will know who to blame,” anang Pangulo.

Pinagsabihan na aniya nito ang mga opis­yal ng Department of Health (DOH) na mag-resign kung hindi ka­yang ipatupad ang batas sa family planning na mahigpit na tinututulan ng Simbahan.

Kapag hindi aniya nito maalis agad ang mga opisyal ay inila­lagay ang mga ito sa isang lugar na walang ginagawa ang mga ito.

“Sabi ko nga itong mga health official, if you cannot follow the family planning law of the government, you better resign if you dont have the scruples to fight with,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang tatlong administrasyon na isinulong ang family planning program suba­lit mahigpit na tinututulan ito ng Simbahan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy