Una sa Balita

Paglobo ng Fil-Am na pinapatay kakalkalin

0 260

BUBULATLATIN ng true crime podcast na Project Sunlight ang paglobo ng mga nawawala at pinapatay na mga Pilipina sa Amerika.

Nakatakdang ilunsad ngayong buwan­ang solo-hosted podcast, na batay sa kauna-unahang database na nagdodoku­mento sa mahigit 100 “missing” at pinaslang na mga babaeng Filipino-Ameri­can.

Nakakuha umano ang Project Sunlight ng inspirasyon mula sa Missing and Murdered Indigenous Women Movement, bilang isang podcast na nakatuon sa ‘untold stories of true crimes’ na karamihan ng mga biktima ay kababaihan.

Sa kabila ng pagdami ng mga Pilipino na naninirahan sa Amerika, ‘underrepresented’ umano ang mga ito sa media at kultura kaya dumadami ang mga Pinay na bigla na lang nawawala o namamatay dahil hindi napagtutuunan ng pansin.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy