Una sa Balita

Paglobo ng basura, emergency situation – DENR

By
0 275

MAITUTURING nang emergency situation ang tambak na basura sa Metro Manila na siyang dahilan ng mabilis na pagtaas at mabagal na paghupa ng tubig baha na naranasan sa ilang araw na pag-uulan hatid ng habagat.

Ayon kay Energy Undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Unit Concerns Benny Antiporda, nakakabahala na ang sangkaterbang basura at nangangailangan na ito ng agarang aksiyon hindi lamang sa kanilang panig kundi lalo na sa hanay ng local government unit.

Apela ni Antiporda sa mga LGU na tutukan ang problema sa solid waste management, ito umano ang iprayoridad lalo at malaking perwisyo ang hindi tamang pagtatapon ng basura, una na dito ang pagbaha, ikala­wa ay ang iba’t ibang uri ng sakit na maaaring makuha rito.

Aniya, ang problema sa basura ay matutugunan kung ang bawat cons­tituent ay tuturuan nang tamang pagtatapon ng basura at regular din ang paghahakot ng basura.

Bilang tugon sa problema sa basura, isang proyekto ang nakatakdang ilunsad ng DENR katuwang ang mga eskuwelahan at mga LGU, tinawag na ‘Mga Batang Mag-iipon ng Basura’, la­yon nito na palakasin ang segregation kung saan hihikayatin ang mga bata na ipunin ang mga recyclable material at bibilhin ito ng mga junk shop na siya namang magdadala sa mga accredited recycling area.