Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagligpit sa kapitan ng Caloocan pinakakalkal

0 162

Ipinag-utos na ni Philippine National Police (PNP) chief General Guillermo Eleazar sa National Capital Region Police Office (NCRPO) na imbestigahan ang pagpatay sa isang barangay chairman sa Caloocan City.

Sa impormasyon sa tanggapan ng Chief of Police sa Camp Crame, nagbabantay lang ng kanilang tindahan ang chairman ng Barangay 143 na si Jerry Apostol nang walang sabi-sabing pagbabarilin siya ng hindi pa tukoy na mga salarin, noong gabi ng Nob 1.

Dead on the spot ang biktima habang sugatan ang kanyang maybahay.

Nangako si Eleazar na titingnan ang lahat ng anggulo sa pagpapatuloy ng imbestigasyon upang malaman kung ano ang motibo at kung sino ang posibleng nasa likod ng pagpatay. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.