Una sa Balita

Paglalaro ng ‘Pinas Basketball sa Asiad, Pinoy ang panalo!

By
0 338

SA wakas, matutuloy na ang paglahok ng Pilipinas sa darating na 2018 Asian Games (AG) sa Indonesia.

Maraming dapat pasalamatan kaya natuloy itong pagsali natin sa Asiad lalo na kay Chino Trinidad sa puspusang pagkampanya na lumahok sa event, coach Robert Jaworski, Comm. Mon Fernandez, Mayor Richard Gomez at iba pa. Mga sportswriter na ang nagsasabing ito na lang ang kaligayahan ng Pinoy na panuorin at kung saan tayo nagkakasundo.

Kulang, sabi nila, kapag wala ang basketball na kinahuhu­malingan ng bayan ni Juan kahit sa anong liga, torneo o anumang summer event.

Baduy, corny o ‘di kaya’y boring kapag na-etsapuwera ang Pinoy basketball sa AG.

***

Nag-resume na ang laro ng Team Agilas ni Mayor Christian Natividad sa Brgy. Sta. Clara, Sta. Maria, Bulacan.

Pinangungunahan ng inyong lingkod, Johnny Abarrientos, Marlou Aquino, EJ Fiehl­, Bobby Jose, Willie Miller, Eddie Laure, Noli Locsin at Allan Caidic ang laro.

Maraming salamat kay Konsi Perez na siyang nag-entertain sa Legends magmula sa miryenda hanggang dinner.

***

Bumalik ulit ang TEAM AGILAS sa Doña Remedios Trinidad kasama naman ngayon sina Dondon Hontiveros at iba pang Legends ni Atty. Mayor Christian.

***

Kung kayo’y madalas na napapasyal sa anumang branch ng VISTAMALL, baka makita ninyo diyan ang mga paborito ninyong Legends tulad nila Triggerman, Noli Locsin, Bal David, Marlou Aquino at iba pa na matinik pa rin sa kanilang paglalaro sa court.

***

Sa Agosto 11, Sabado, pupunta ang maraming PBA LE­GENDS sa Midsayap, Cotabato kaya aba­ngan n’yo dahil lalaro kami at magbibigay ng konting kasiyahan sa inyong mga taga-Mindanao.

***

Belated Happy Birthday kay RICO ROSITA ng Lipa, Batangas. At dumating na din sa ‘Pinas ang aking napakagandang good friend na si MISS LOTTIE BRAR ng Calgary, Canada.
Have fun and enjoy your vacation.