Una sa Balita

Paglabas sa kulungan ni Ampatuan paiimbestigahan ni Mangudadatu

By ,
0 358

PAIIMBESTIGAHAN sa Kamara ni Maguindanao Rep. Zajid ‘Dong’ Mangudadatu ang pag­labas sa kulungan ni Zaldy Ampatuan.
Si Ampatuan ang pangunahing akusado sa Maguindanao massacre.

Ayon kay Mangudadatu maghahain siya ng isang resolusyon para masiyasat ang naturang kaganapan.

Matatandaan na nag­labas ng order ang korte para makadalo si Ampatuan sa kasal ng anak nitong babae.

“We decry the gran­ting of the furlough to Zaldy Ampatuan. While we respect the court as having the discretion to grant such, we appeal for careful evaluations of future furlough applications from any of the perpetrators,” pahayag ni Mangudadatu.

“While we believe that humanitarian reasons matter, we also believe that the nature of charges does matter as well in considering a grant of leave,” ayon pa sa Maguindanao solon.

Binigyang-diin nito na haharangin nila ang ano mang ihihirit pa ni Ampatuan.

“The Ampatuans have taken so much from the families of the 58 victims, we will not let them keep taking from us every time they are out from prison,” giit ni Mangudadatu.

Nasaktan umano at nabagabag ang kongresista at pamilya nito sa ipinagkaloob na furlough ng korte kay Ampatuan.
Siyam na taon na aniya ang nakakaraan nang patayin ang 58 katao.

Hanggang ngayon ay dama pa rin ng mga naulila ang sakit sa pagkawala ng kani-kanilang mahal sa buhay.

“We have struggled every day to live off the pain of losing our loved ones. We refuse to live off the image of one of the perpetrators out in public witnessing his daughter’s wedding, while our dead sisters, brothers, mothers, fathers will never be able to attend a wedding of their loved ones themselves,” himutok ni Mangudadatu.