Una sa Balita

Pagkuwestiyon ng BOL sa SC political propaganda

By
0 335

KUMPIYANSA si Deputy Speaker at Sulu Rep. Abdulmunir Arbison na walang kahihinatnan at sa kangkungan pupulutin ang inihaing petisyon sa Supreme Court (SC) na kumukuwestiyon sa legalidad ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

Tinawag ng House leader na political propaganda ang pagkuwestiyon ni Sulu Gov. Abdusakur Tan II sa legalidad ng BOL.

“His purpose is purely political and for his family’s vested interest, that is the full control of the province of Sulu,” buwelta ni Arbison.

Nauna nang hinirit ni Gov. Tan sa SC nitong Oktubre 11 ng kasalukuyang taon na repasuhin ang ligalidad at constitutionality ng BOL.

Iginiit ng gobernador na nagkaroon ng “grave abuse of discretion amounting to lack or excess of jurisdiction” ang Kongreso ng aprubahan ang BOL.

Pero ayon kay ­Arbison, “blatantly misguided,” “erroneous” at “misleading” ang kartada ni Tan.

Binigyang-diin ng Deputy Speaker na salig sa Konstitusyon ang BOL.

Binanggit pa ng lider ng Kamara na suportado ng mga lider ng iba’t ibang lokal na pamahalaan sa mga munisipalidad sa Sulu ang pagsisikap ng gobyerno na maisulong ang kapa­yapaan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy