Una sa Balita

Pagkukumpuni ng mga kalsada, tuloy-tuloy – DPWH

By
0 180

PINAYUHAN ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mga motorista na umiwas sa mga kalsada sa Quezon City na apektado ng road reblocking at repair hanggang Lunes ng mada­ling-araw.

Ang mga ginaga­wang pagkukumpuni ng DPWH ay may koordinasyon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang ma­ging maayos ang daloy ng trapiko.

Sinimulan ng DPWH noong Biyernes ng hatinggabi ang pag-aayos sa southbound ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa harapan ng Francesca Tower hanggang pagkatapos ng Scout Borromeo (pangatlong lane mula sa center island).

Ginagawa din ang northbound ng EDSA, bago mag-North Avenue (ika-anim na lane mula sa center island); A. H. Lacson Avenue, sa kahabaan ng Aragon at P. Florentino Streets; at Batasan Road, bago mag-Payatas Road (2nd lane).

Muling bubuksan sa trapiko ang mga nabanggit na kalsada sa Lunes, Setyembre 3, bandang alas-singko ng madaling-araw.