Una sa Balita

Pagkonti ng mga adik ilusyon lang — Rep Villarin

0 424

Ilusyon lang ayon kay Akbayan Party-list Rep. Tom Villarin ang pagkonti ng mga adik.

Kaya hindi dapat ikatuwa ng Malacañang ang survey ng Social Weather Stations (SWS) na nagsasabing 66% ng mga Pinoy ay naniniwala na bumaba na ang bilang ng mga adik.

Hindi umano totoo na nagtagumpay na ang war on drugs.

“Malacañang should know better that the drug problem can’t be solved by seeing less of them out in the streets. Maybe they have gone underground and found creative ways to avoid detection. Don’t gloat over the surveys,” paha­yag ni Villarin.

Naniniwala si Villarin­ na magaling lang diumanong manakot si Duterte pero hindi naman totoong nareresolba ang problema.

Talamak pa rin aniya ang iligal na droga sa bansa at patunay na rito ang tone-toneladang shabu na nakalusot sa Bureau of Customs (BOC).

Kamakailan din aniya ay natagpuan ang dose-dosenang kilo ng cocaine sa Dinagat Islands. (Aries Cano)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy