Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagkatay sa mga aso naawat; 3 kusinero timbog

0 85

Naawat ang nakatakdang pagkatay sa halos­ 10 aso na isinako matapos salakayin ng pulisya at mga tauhan ng Animal Kingdom Foundation Inc (AKFI) ang kulungan ng mga hayop na nagresulta sa pagkakaaresto sa umano’y tatlong taga-katay at kusinero nito sa magkakahiwalay na lugar sa Bulacan noong Sabado.

Ayon kay acting Bulacan Provincial Office (PRO) director P/Col.Charlie A. Cabradilla, kinasuhan ng paglabag sa Animal Welfarre Act ang mga suspek na sina Jessie Dela Cruz, 38-anyos, caretaker sa Bustos; Felipe Borja, 62-anyos at Rolando Soriano, 58-anyos, mga caretaker sa Pandi at kusinero umano ng mga kinatay nilang aso.

Unang sinalakay ang lupang binabantayan ni Dela Cruz sa Brgy. Liciada sa Bustos at isinunod ang bakurang pinopostehan nina Borja at Soriano sa Brgy. Bagbaguin sa Pandi.

Naabutan ng mga awtoridad at AKFI ang 10 aso na nakasako habang nakakulong pa ang iba na kakatayin at lulutuin din ng mga ito para ibenta.

Nabisto ng pulisya at AKFI ang ilegal na gawain ng mga suspek mula sa tip ng netizen. Nasa pangangalaga na ng AKFI ang mga nailigtas na aso. (Jun Borlongan)

Leave A Reply

Your email address will not be published.