Una sa Balita

Pagkatapos talunin, Kobe kinalma sina Dave, Shaun

0 441

BUGBUGAN sa loob ng basketball court, ‘magkakapatid’ pagkatapos ng mga laro.

Ganito ang samahan ni Kobe Paras ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons sa magkapatid na Shaun at Dave Ildefonso ng National University (NU) Bulldogs.

Nang pamunuan ni Kobe ang UP (3-1) nitong Miyerkoles sa 80-79 ga-balahibong panalo kontra NU (0-4) sa UAAP Season 82 men’s basketball tournament, kinalma nito ang magkapatid na Ildefonso matapos ang laban.

“I grew up with Shaun and Dave. When I started playing basketball, they were basically my teammates. So we have a bond that no one really knows about,” kwento ni Paras.

“But I just told them to keep their heads up and they’re gonna win a game soon. They’re a great team, and coach Jamike (Jarin) does a wonderful job coaching them.”

Nagtala si Paras ng 25 points, anim na rebounds at dalawang assists sa naturang panalo.

Susunod na makakaharap ng Fighting Maroons ang UE Red Warriors sa darating na Sabado, Setyembre 21. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy