Una sa Balita

Pagkatapos patulugin si Folayang, Nguyen saludo pa rin sa Filipino

By
0 19

Sa harap ng mga kababayang nagsiksikan sa Mall of Asia Arena, tiklop si Eduard ‘Landslide’ Fola­yang kay Martin ‘The Situ-Asian’ Nguyen ng Australia sa main event ng One: Legends of the World Biyernes ng gabi.

Sa second round, akmang pakakawalan ni Folayang ang kanyang signature spinning backfist pero sa isang kisapmata ay nakasilip ng butas si Nguyen, umigkas ang malutong na kanan na malinis na kumonekta sa Filipino.

Tulog si Folayang, hindi na nakabangon.

Inagaw ni Nguyen ang One Championship lightweight title ni Folayang 2:20 sa Round 2.
Si Nguyen ang unang MMA fighter na hahawak ng dalawang world titles nang sabay. Mula featherweight, umakyat ang Australian sa 155 lbs para hamunin si Folayang sa champion-vs-champion bout.

Pagkatapos bumagsak ang Filipino, kita pang lumuhod si Nguyen para siguruhing maayos ang lagay ng kalaban bago pinalayo ng referee.

“I think coming into the fight my main objective was a TKO or a submission,” lahad ni Nguyen. “Eduard, I still love you like a brother, I hope you’re fine and I hope you come back stronger. I’m still your number one fan.”