Una sa Balita

Pagkatapos ng 18 taon, Parker babush sa NBA

0 304

NAGPAALAM na si da­ting San Antoino Spurs point guard Tony Parker sa NBA matapos iaanunsiyo ang kanyang pagreretiro makalipas ang 18 season.

“I decided that I’m not going to play basketball anymore,” saad ni Parker sa report ng The Undefeated kahapon ng madaling araw.

Isa si Parker sa mga naging sandigan ng Spurs na nagdomina sa NBA ng mahigit isang dekada.

Lilisan ang France native sa liga na may anim na All-Star appea­rance at apat na cham­pionship rings kabilang na ang pagiging Finals MVP noong 2007.
Huling naglaro si Parker para sa Charlotte Hornets mula Hulyo 2018. (Myris Lee)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy