Una sa Balita

Sharon damay sa galit ni Ryza kay Gabby

By
0 2,338

Sangkatutak na ang memes ng TVC nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. At dahil si Gabby nga ang bida, na bida rin sa teleserye ng GMA 7 na Ika-6 Na Utos, pinag-connect-connect talaga ang mga bida, kontrabida sa teleserye at commercial ni Gabby.

Unang meme na lumabas ay ‘yung close up ni Sharon, na nagtatanong…

“Rome, Kamusta na si Georgia?”

Abante Hiring – IT dep

“Ayun, nasa mental na siya,” sagot ni Rome (Gabby).

“Sure ka? Tignan nga natin baka nasa labas siya,” sagot naman ni Sharon.

At dito nga lumabas ang picture ni Ryza na may hawak na colorful toy gun na kuha sa isang eksena sa Ika-6 Na Utos bilang Georgia.

Nakatutok ang ‘toy gun’ kay Sharon, at ang linya ni Georgia/Ryza ay…

“Sinong nasa mental? Sagot!!!”

Promise, nakakatawa ang post na ito ni Gabby. At kahit si Ryza mismo, natawa, and at the same time, nahiya kay Sharon.

“Hahahahaha! Naku Georgia nakakahiya ka!” sey ni Ryza.

Next na meme naman ay isang eksena pa rin sa Ika-6 Na Utos na nasa akmang babarilin din ni Ryza/Georgia si Sunshine Dizon (Emma), gamit pa rin ang parehong toy gun.

“Pagkatapos naming mag-away para sa iyo Rome! Kay Sharon ka lang mapupunta?” sey ni Ryza/Georgia kunyari.

“Time out muna. Commercial break lang Georgia. Hahaha!” sabi ni Gabby na naka-tag kina Sharon, Sunshine, Ryza at McDonalds ang post niya.

I’m sure masusundan pa ng maraming memes ang TVC na ito nina Sharon at Gabby.

By the way, base sa Facebook page ng McDonalds Philippines, kahapon ng umaga ay umabot na sa 6.4 million views ang commercial nina Sharon at Gabby, ha!

Vice hindi dinalaw ni Coco sa ospital

May tampo nga ba si Vice Ganda sa bestfriend niyang si Coco Martin? Nag-post kasi ang mahusay na komedyante ng video niya sa Instagram stories na habang nasa bahay lang siya at nagpapagaling sa operasyon sa kidney niya, nanonood siya ng movie nila ni Coco Martin.

May caption siya na, kesyo nami-miss na niya si Coco.

“May sakit ako, dalawin mo ako uy!” sabi pa ni Vice.

Meaning, hindi nga nakadalaw si Coco nung nasa ospital si Vice, ha! Sa dinami-rami ng mga taong nakadalaw kay Vice, ang itinuturing pa niyang bestie ang hindi nakadalaw.

Eh, katampo-tampo nga naman ‘yon. Pero, mukhang saglit lang naman ang tampo ni Vice, dahil sa latest IG stories niya, makikita na niya ang mga bulaklak, prutas na galing kay Coco.

“I’m a spoiled papansin bestfriend. Love u Best!” sabi ni Vice na naka-tag ang name ni Coco Martin.

Well, ganun naman sa magkaibigan, kailangan din talagang magpapansin paminsan-minsan.