Una sa Balita

Pagkatalo ni Vickie Rushton ikinatuwa ng mga netizen

0 720

Palpak sa Q&A:

May mga nagulat, pero may mga sumang-ayon na rin na walang napanalunan na title si Vickie Marie Rushton na ni-represent ang Neg­ros Occidental sa 2019 Binibining Pilipinas.

Sa simula pa lang ng pageant ay malakas na ang pangalan ni Vickie na makakakuha ito ng isang title. Maraming fans si Vickie dahil na rin sa boyfriend nito, ang Kapuso actor na si Jason Abalos.

Well, sabi nga ay pu­malpak daw kasi sa Question & Answer portion si Vickie at unfair naman sa ibang kandidata na mahuhusay sumagot kung bibigyan pa rin siya ng korona.

Kaloka lang ang iba na nagbunyi talaga na walang korona na nasungkit si Vickie. As if naman ay malaking kasalanan ang nagawa niya sa kanila.
Bago ang coronation night, heto ang pinost ni Vickie sa kanyang Ins­tagram account:

“Until now you have not asked for anything in my name. Ask and you will receive, and your joy will be complete.” – John 16:24

“This is iiiiiiiiiit!!! This fight for the crown is no longer just about me but for my Lil Brave Hearts angels, @heartsofjoyinternational,
@jaden_and_friends_org and the whole Down Syndrome community. I will fight with you and for you. I can’t wait to see you all tonight at the Smart Araneta Coliseum! #BeyondBeauty #BbPilipinas2019.”

Si Jason naman, na ever supportive kay Vickie, ay heto naman ang pinost sa kanyang IG:

“Nakatingin ka sa bituin. Hindi sya, ikaw. :) Tingnan mo syang mabuti! Makikita mo sa mga mata nya ang sinasabi ng puso nya. Lumalaban sya hindi para sa sarile nya, don sya naiba sa iba.”

Si Vickie ang nakakuha ng pinakamaraming special awards sa gabing iyon. Kabilang dito ang Bb. Poten Cee Gandang Palaban 2019, Miss World Ba­lance, Miss Creamsilk, Manila Bulletin Rea­der’s Choice Award, Miss Ever Bilena, at Jag Denim Queen.

Dahil dito ay matunog nang makakauwi si Vickie ng isa sa anim na titles.
Last year, nag-place first runner-up si Vickie at confident itong su­mali ulit at baka nga naman suwertehin na siya.

Pero mukhang wala pa sa kapalaran ni Vickie ang manalo sa Bb. Pilipinas dahil wala siyang napanalunan na title.

Habang isinusulat ito ay wala pang bagong post sa social media si Jason tungkol sa pagkatalo ni Vickie. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy