Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagkamatay ng inarestong lider-magsasaka pinaiimbestigahan

0 50

NAGHAIN ng House Resolution 1762 ang Makabayan bloc upang imbestigahan ang sinasabing kapabayaan ng gobyerno na nagresulta sa pagkamatay ng 59-anyos na lider-magbubukid na si Joseph Canlas.

“His unjustly detention in congested facilities, lack of testing, and the delayed medical attention from BJMP authorities despite his complaints of symptoms and his pre-existing comorbidities all contributed to his untimely passing.”

Marso 30 ng umaga inaresto si Canlas sa tanggapan ng Alyansa ng mga Magbubukid ng Gitnang Luzon sa Mexico, Pampanga. Chairperson siya ng AMLG at vice chair ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.

SM food to go Banner Ad

Sa panahon ng quarantine sa CIDG, pinagbawalan umano si Canlas na madalaw kahit ng kanyang pamilya. Nilipat ang ak- tibista na may hypertension at diabetes sa quarantine facility ng BJMP Detention Center kung saan kasama niya ang tinatayang 100 preso, at nang sumama na ang kanyang pakiramdam ay sinabihan lang daw siya ng BJMP warden na ‘umaarte lang’.

Humina ang kanyang katawan at nhirapang huminga. Naospital ito at na-ICU dahil sa acute respiratory failure. Naging COVID-positive din si Canlas at namatay noong Mayo 11. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.