Una sa Balita

Pagkalat ng ASF ‘di mapigil: Duterte tiwala pa rin kay Dar

0 636

PATULOY pa ring nagtitiwala si Pangulong Rodrigo Duterte kay Agriculture Secretary William Dar sa harap nang hindi pa rin nalulutas na problema sa African Swine Fever (ASF).

Tatlong buwan na ang sakit na umaatake at nakakaapekto sa hog industry at hindi pa rin ito nalulutas ng kagawaran.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Pa­nelo na wala pa namang nababanggit ang Pangulo na nawalan na ito ng kumpiyansa sa kakayahan ng kalihim.

Katunayan ani Panelo ay inaprubahan pa ni Pangulong Duterte ang kahilingan ni Secretary Dar na mabigyan sila ng pondo para pantulong sa mga naapektuhan ng ASF at mabantayan ang pagpasok ng mga kontaminadong karne ng baboy na tangkang ilusot sa mga entry points sa bansa.

“I think so, yes. Wala naman siyang sinabing he is not satisfied,” ani Panelo.

Isang bilyong piso ang ibinigay na pondo ni Pangulong Duterte sa DA mula sa contingent fund ng Office of the President. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More