Una sa Balita

Pagkalas sa ICC, kaduwagan — Alejano

By
0 333

MAARING umalis ang bansa sa International Criminal Court pero hindi matatakasan ni Pangulong Duterte at mga opisyal nito ang kanilang pananagutan sa libo-libong biktima ng extrajudicial kil­lings sa ngalan ng drug war ng administrasyon, diin ng kandidato ng Otso Diretso at Magdalo congressman na si Gary Alejano.

Ikinaalarma ni Gary ang pagtiwalag ng bansa sa ICC dahil aniya, lalo lamang lalakas ang loob ng mga opisyal ng administrasyon na patuloy lang na gumawa ng mga polisiyang lalabag sa karapatang pantao.

Paliwanag ni Gary na din ating pagkalas sa ICC, malilimitahan din ang pagtanggap ng tulong mula sa mga dayuhang bansa.

Gayunpaman, giniit niya na hindi matatakasan ni Duterte at ng mga opisyal ng administrasyon ang res­ponsibilidad nila sa mga nangyaring EJKs sa bansa dahil ito ay nangyari noong panahong ang Pilipinas ay kabilang pa sa ICC.
“You can withdraw but you cannot hide,” ani ni Gary.

Bukod kay Gary, tinututulan ng Otso Diretso slate ang pagdami ng kasong EJKs na sina Senator Bam Aquino, Mar Roxas at dating Congressman Erin Tañada; dating Solicitor General na si Florin Hilbay, Chel Diokno at MacaRomy Macalintal, at dating ARMM assemblywoman na si Samira Gutoc.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy