Una sa Balita

Pagkalas ng Gilas sa Asiad may malalim na mensahe

By
0 909

MUKHA ngang malalim ang pinag-uugatang isyu ng pag-withdraw o pag-pull-out ng Gilas Pilipinas team sa darating na Asian Games na gaganapin sa Jakarta, ­Indonesia.

Nakakabigla man ang anunsyong ito, nagkakaisa naman ang mga lider ng SBP at POC, kasama na ang bagong hinirang sanang national coach na si Yeng Guiao, na mas mabuti pang mag-withdraw sa kompetisyon.

Ang FIBA ruling na nagpataw ng parusa sa Gilas team ang siya pa ring pinanggalingan ng desisyon lalo pa’t nahihirapan umano ang bansa na buuin ang tamang kombinasyon ng mga player na sasabak sana sa torneo.

May mga nagsasabing best move ito para sa atin dahil baka mas lalo daw tayong pag-initan ng mga bansang makakalaban natin. Habang may mga nagsasabi namang ‘may mensahe’ lamang na nais ipahatid ang bansa sa FIBA matapos nitong ibigay ang sanction sa Gilas team.

Hindi man lang gustong indahin ng POC o SBP ang monetary fine na ipapataw ng Olympic Council of Asia, pati na ang Asian Games Organizing Committee, na posible ding magpataw pa ng ibang sanction bukod sa multang pera.

Ganyan po kayaman at katatag ang pananalaping usapin ng ating national basketball team, kumpara sa ibang mga NSA na halos walang pambili ng uniporme o kahit pangkape, hahahaha!