Una sa Balita

Pagkakaisa naipamalas sa SEA Games

0 430

BINIGYANG papuri ng Palasyo ang mga organizer ng Southeast Asian Games sa pamumuno ni House Speaker Alan Peter Cayetano dahil sa trabaho nitong tinuring na ‘exceedingly well done’ matapos ang kamangha-manghang opening ceremony ng biennial event sa Philippine Arena noong Nobyembre 30.

“The opening ceremony of the 30th SEA Games was a sight to behold,” sabi ng Malacañang.

Ayon pa sa kanila, ang ‘eyecatching sports and musical extravaganza’ ay ‘di pinalampas ng The Strait Times ng Singapore na nagsabing “It took just two hours to wipe away a week’s worth of bad headlines.”

Umaasa rin ang Malacañang na sa tulong nitong ‘event extraordinaire’ ay maging maganda ang pagsasagawa ng mga gaganaping palaro.

“Such a delight to watch a night where all Filipinos, regardless of age, social or political status and location, went in droves to show their support to the country’s hosting of the 30th SEA Games,” dagdag pa ng Malacañang.

Pinuri rin nila ang mga performer, lokal na media outfit, manunulat at blogger ‘for reporting with accuracy the success of the ceremony’.

“For us, this ceremony should remind us that with unity, camaraderie and support, #WeWinAsOne,” dagdag pa nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy