Una sa Balita

Pagkakaibigan, kalusugan hatid ng ‘Laro’t Saya’ – Adufina

By
0 32

LUMAWAK ang pagkakaibigan ng mga mahihilig mag-zumba tuwing Sabado at Linggo, halos walang paltos na nakikisaya sa programa ng Philippine Sports Commission (PSC) na Laro’t Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN for FREE.

Kaya naman nais ng mga miyembro ng Quezon City Zumbhabes kasama ang mga grupo rin sa Luneta at San Juan na ipagpatuloy ng PSC ang magandang programang nagbibigay-saya hindi lang sa zumba maging sa ibang sports.

Hindi lang excercise, natututo rin ang ibang mga bata na nakikihalo sa iba’t ibang sports na itinuturo nang libre ng PSC, tulad ng chess, volleyball, arnis, football at iba pa.

At dahil palaging nagkikita tuwing Sabado at Linggo ay nabubuo rin ang magandang sama­han at pakikipagkaibigan.
“Huwag sanang ihinto ng PSC ang programa nilang Laro’t Saya sa Parke dahil hindi na lamang zumba o mga sports dito nagkakasayahan ang mga tao kundi pati na rin pakikipagkaibigan,” sabi ni zumbathon champion Noel Adufina.

Samantala, dumagsa pa rin ang 362 katao sa Laro’t Saya sa Senior Citizen’s Park sa Luneta kahit biglang bumuhos ang ulan, may 31 ang nakisaya sa football habang 29 ang lumaro sa chess, ang ibang sports na nilaruan ay sepak (2), badminton (13), volleyball (22) at arnis (8), may 257 ang umindak sa zumba (257).

Noong Sabado, may 468 katao sa Laro’t Saya sa Quezon City Memorial Circle, bago natapos ang nasabing event ay nagkaroon ng raffle.