Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagkaing Pinoy, bidang-bida sa Filipino Food Month

0 69

Habang pinagdiriwang sa bansa ang Filipino Food Month ngayong Abril, ang Pambansang Komisyon Para Sa Kultura At Mga Sining, na mas kilala bilang National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at ang Korean Cultural Center sa Pilipinas (KCC) ay mga inihandang mga programa para sa sa selebrasyon.

Ang KCC ay inaanyayahan ang lahat n n sumali sa “My Kimchi Recipe Challenge”, kung saan ang mga kalahok ay dapat gamitin ang kimchi bilang sangkap sa isang lutong pagkaing Pilipino.

Ayon sa opisyal na pahayag mula sa KKC, ang mga sasali sa timpalak pagluluto, dapat maipakita nila ang kanilang pagiging malikhain sa paggamit ng kimchi bilang sangkap sa pagkaing Pinoy kanilang ihahanda.

Upang sumali, dapat ibahagi ang larawan ng kanilang entry sa Facebook na kasama ang hashtags na,

# MyKimchiRecipe at #KolorfulAdventures. Dapat ring isulat ang mga sangkap at mga pamamaraan kung paano lutuin ang pagkain. Ang mga lalahok ay dapat ring mag-tag sa dalawa nilang kaibigan sa nasabing social media site.

Ang KCC ang mag-aanunsyo sa sa mga mananalo na ang matatanggap na gantimpala ay Hansik gift bags.

SM food to go Banner Ad

Sa mga hindi naman nais na sumali sa timpalak pagluluto pero interesadong madagdagan ang kaalaman tungkol sa mga pamamaraan kung paano iniluluto ang mga pagkaing Koreano, ang KCC ay may inihandang iba’t-ibang mga talakayan at palatuntunang ipalalabas sa kanilang mga social media account.

Isang halimbawa ay ang KCC’s “Traditional Thursday” kung saan itatampok ang kimchi, tradisyonal na side dish sa Korean cuisine. Malalaman sa palatuntunan ang mga benipisyo sa kalusugan na dulot ng kimchi, kasaysayan, representasyong pang-rehiyon, mga iba’t-ibang gulay na ginagamit sa paggawa nito at marami pang iba.

Samantala, ang pambansang ahensya para sa kultura at mga sining, ang NCCA sa buong buwan ay magdadaos ng webinar series tuwing Martes at Huwebes, upang maturuan ang mga Pilipinong mapanatili at pagyamanin ang pamanang kulinaryang natatangi.

Pinamagatang “Philippines on a Plate”, ang webinar series ay magtitipon ng mga culinary historian, chef, magsasaka, bukod sa iba pa, upang talakayin kung paano maiimpluwensyahan ng publiko ang lokal na paglilinang ng pagkain.

Ang webinar series ay mapapanood sa iba’t-ibang social media accounts of the NCCA, Sentro Rizal, Kagawaran ng Agrikutura at sa Kagawaran ng Turismo.

Nilalayon ng Filipino Food Month ngayong taon na maipakita ang kahalagahan ng culinary arts at tradisyon sa pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.