Una sa Balita

Pagiging patas ni Gloria sa budget pinalakpakan

By
0 262

IKINATUWA ng mga kongresista ang paniniyak ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na walang bobokyain sa biyakan ng budget, kakampi man o kalaban.

Ayon kay Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas, walang masama at nilalabag kung detalyado ang paglalahad ng lahat ng alokasyon at tinutukoy ang mga proyekto ng mga kongresista sa mga ahensiya at kagawaran.

Kinakailangan din aniyang maging transparent ang paggasta sa pondo ng gobyerno.

Sinisiguro ni Abu na ang pambansang pondo sa ilalim ng liderato ni Arroyo ay transparent line-item system at hindi bubuhayi­n ang lump-sum fund allocation gaya ng mga nakalipas na budget na diumano’y may nakasaping pork barrel na idineklarang uncons­titutional ng Supreme Court (SC).

“Line item budgetin­g is legal and constitutio­nal. Looking at the Ge­neral Appropriations Act from previous years, you can see that all pro­jects implemented on every districts were lis­ted there. That is line-item budgeting. Let it be known that the allocations are for congressional districts,” paha­yag ni Abu.

Kung mayroon mang tatapyasang pondo para sa kalusugan, edukasyon, agrikultura, serbisyong panlipunan at mga impraestruktura ay kinakailangan aniyang hanapan ng solusyon ng Kamara para maibalik ang pondo sa mga kinauukulang ahensiya. 

Pinuri naman ni da­ting Speaker at Quezon City Rep. Feliciano Belmonte ang diskarte ni Arroyo.

“I praise GMA for her sense of fairness. There’s absolutely nothing­ unconstitutional about ensuring that all members of Congress including oppositionists get a fair share of projects for their districts. She was herself deprived of her pre­vious position as De­puty Speaker for voting against the death pe­nalty which was to her a matter of conscience,” ani Belmonte.

Inihayag naman ni Quezon City Rep. Wins­ton Castelo na tama lang na mabigyan ng patas na kaparte ang mga kongresista anumang kulay ng partido na kinaaaniban ng mga ito.

“These are funds for their districts and not for the representatives. The people or constituents should not be made to suffer because of political differences,” giit ni Castelo.