Una sa Balita

Paghusayin, pagbutihin ang penal system

0 387

Sa maikling panahon ng ating pamumuno sa Bureau of Corrections, batid natin ang kakulangan ng pansin sa naturang ahensya ng gobyerno. Sabi nga ng marami, ang persons deprived of liberty o PDLs ay mga taong nagkamali at nanlamang sa kapwa. Sa kabila ng kanilang mga pagkakamali, sila ay mga tao pa rin na may pagkakataong magbago at itama ang kanilang kamalian sa buhay.

Bilang ating ambag upang masigurong epektibo ang ating penal system, isinusulong natin ang pagpapasa sa Senate Bill No. 1100 o “An Act Transferring the Control and Supervision of the Provincial and Sub-Provincial Jails to the Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP), Amending for the Purpose Certain Provisions of Republic Act No. 6975, Otherwise Known As The ‘Department of The Interior and Local Go­vernment Act of 1990’ As Amended, And For Other Purposes”. Malinaw na binabanggit sa titulo pa lamang ng panukalang batas na ito ang paglilipat ng pamamalakad sa mga provincial at sub-provincial jail sa BJMP. Sa kasalukuyan kasi, ang local jails ay nasa ilalim ng superbisyon ng dalawang magkaibang pamunuan. Ang city, municipal at district jails ay nasa ilalim ng pamama­lakad ng BJMP habang ang mga provincial at sub-provincial jail naman ay pinatatakbo ng provincial government na nakasasakop dito.

Ito ay inaasahan natin na magpapabuti at magpapahusay sa penal system ng bansa. Magkakaroon kasi ng uniform standards, policies at guidelines sa administrasyon ng local jails at ito rin ay magsusulong ng maayos na kalagayan ng PDLs.

***

Nagluluksa ang buong Senado at sambayanang Pilipino sa pagpanaw ng isa sa mga pinakamahusay na estadista sa kasaysayan ng ating bansa, si Aquilino ‘Nene’ Pimentel Jr.

Sa kanyang makulay na political career, nakilala si ‘Tatay Nene’ bilang matapang na kalaban ng mga korap sa gobyerno, electoral fraud at foreign imperialism. Si Tatay Nene rin ang tinaguriang Ama ng Local Go­vernment Code of the Philippines.

Si Tatay Nene ay nag­lingkod bilang de­legado sa 1971 Constitutional Convention, mayor ng kanyang bayan Cagayan de Oro City, assemblyman sa Batasang Pambansa at senador ng bansa. Siya ay pinakaunang Mindanaoan na na­ging Senate president mula 2000 hanggang 2001. Ang ating mahal na Tatay Nene ang co-founder ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-LABAN).

Sa paglisan ng ating butihing senador ay nilisan din tayo ng isang tunay na ma­kabayan, estadista, tagapagtanggol ng demokrasya at epektibong politiko na naging mahalagang bahagi sa pagpanday at pagsisiguro ng mas progresibong pamumuhay sa bawat Pilipino. Paalam Tatay Nene, one last snappy salute sa iyo!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy