Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paghukay sa buhay imposible na; paghahanap ipinatigil

0 189

Inanunsiyo kahapon ng Office of Civil Defense (OCV) sa Eastern Visayas na opisyal nang ititigil ang search, rescue and retrieval operations sa ilang lugar na natabunan ng landslide sa Baybay City sa Leyte simula ngayong araw.

Sinabi ni OCD Region 8 regional director Lord Byron Torrecarion na imposible ng makakita pa ng buhay sa mga barangay ng Mailhi at Bunga dahil sa kapal ng putik at lupang tumabon dito pero magpapatuloy pa rin ang paghahanap sa mga nawawalang biktima sa Barangay Kantagnos.

Kabilang ang Baybay City sa matinding hinagupit ng bagyong ‘Agaton’ na bumayo sa malaking bahagi ng Visayas.

Hanggang kahapon ay nananatili sa 179 ang bilang ng mga kumpirmadong nasawi dahil sa paghagupit ng bagyo kung saan ay 156 pa lang ang positibong kinilala ng mga awtoridad at kanilang mga kaanak.

Mula sa nasabing bilang, 120 sa mga biktima ay taga-Baybay City; 56 sa Abuyog; at tatlo sa ibang lugar. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.