Una sa Balita

Paghuhukay sa Aklan River tinutulan

By
0 171

Isang Chinese vessel na nakadaong sa bayba­ying dagat sa bahagi ng Barangay Bakhaw Norte sa Kalibo, Aklan, ang inalis na dahil sa pagsisimula ng dredging project sa Aklan River.

Ang nasabing barko ng MV Zhong Hai 18, ay inalis simula pa noong November 22 dahil sa sisimulang paghuhukay sa nasabing ilog.

Ayon kay Engr. Roger Esto ng Provincial Planning and Development Office (PPDO), ang nasabing barko ang siyang gagamitin sa paghuhukay sa nasabing ilog na kinontrata ng STL Panay Resources Co. Ltd.

Ang nasabing kumpan­ya ang nag-alok ng paghuhukay sa ilog kapalit ng pagbili ng materyales para maialis ito.

Dahil sa nasabing paghuhukay, maraming residente ng Kalibo ang nagpahayag ng takot sa nasabing dredging pro­ject, sa kadahilanang naranasan na nila ang pagguho ng riverbanks.

Dahil marami na ang hindi umaayon, humaha­nap ng paraan si Kalibo Mayor William Lachica para hindi maituloy ang nasabing proyekto.

Samantala, may teor­ya naman si Provincial Administrator Atty. Selwyn Ibarreta na posibleng ilang taon na ang nakalipas nang binigyan ng Kalibo government ng endorsement para sa nasabing paghuhukay na ngayon ay pilit nang isasakatuparan.

Ang paghuhukay ng Aklan River ay nag-ugat mula sa flashflood bunsod ng pananalasa ng bagyong Frank.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More