Una sa Balita

Paghuhubad ni Maggie aprub kay mister

0 562

Ni: Rose Garcia

Wala namang kokontra bilang isa sa mga credible at effective host ng travel show ay ang actress, beauty queen turned social media influencer na si Maggie Wilson.

May bago itong show, ang “Thank God It’s The Weekend” na magpi-premiere na sa November 16 sa CNN Philippines.

Natawa ito when asked kung tulad ng mga nakikita sa Instagram feeds niya, naka-two piece o swimsuit siya sa lagi sa “TGIW”.

“Hindi rin! Depende sa location. Hindi naman lahat ng location, beach. May location na city din,” natatawang sagot niya.

Sabi nga namin kay Maggie, tuwing makikita ang IG feeds niya, isa siya sa mga magagandang babae na kinaiinggitan sa kung anong buhay meron siya and how she’s living her life.

Pero, ano pa ba ang wish o gusto niyang mangyari sa buhay niya?

“Thankful talaga ko, feeling ko, na-experience ko na ang gusto kong ma-experience. Pero ang dami ko pang bucket list to be honest.

“Gusto kong magka-beach house. Gusto kong mag-retire sa beach. And eventually siguro, spend more time with family and friends.”

Diretsuhan naman naming tinanong si Maggie kung ano ang reaksiyon niya sa impression sa kanya ng tao na sobrang yaman niya, luxury girl talaga?

“Actually, when I was working for my store, super hands-on ako. Maliit lang ang team ko, lima lang kami. All-around ako.

“Kung kailangan kong magwalis, magwawalis ako ng store so it’s not always luxurious. Of course, the things that you put in social media is the things that you want people to see but there’s so many things that’s happening in my social media na sobrang normal, not luxurious at all.”

Sey pa niya, “I don’t usually look like this. Nakapusod lang ang buhok ko. Actually, hindi ko nga sina-shampoo ang buhok ko everyday. Tapos lagi lang akong naka-shirt, leggings, rubber shoes.”

Suwerte rin si Maggie hindi lang dahil sa pagiging good provider ng mister niya na si Victor Consunji, pero suportado rin talaga siya sa lahat ng ginagawa niya. In fact, madalas nga na ito pa ang photographer niya sa mga IG feeds niya.

Bago maging beauty queen ay isang Kapuso star si Maggie. Aminado itong nami-miss din ang pag-arte, pero ang hindi raw niya nami-miss ang 24 hours at paumagahan na taping schedule.

Ang “TGIW” ay tuwing 9:30 pm ng Sabado at may replays tuwing Linggo, 4:30 pm at Miyerkoles ng 11:10 pm.

Barbie suportado ang pagmomotor ni Jak

Going strong daw ang relasyon ng mga Kapuso star na sina Jak Roberto at Barbie Forteza. Chill at relax lang daw kasi sila kaya feeling ni Jak, isa ito sa dahilan kung bakit nagiging matatag sila ni Barbie.

Isa sa naging sukatan ni Jak na hindi sila mahigpit sa relasyon nila ay pinapayagan na raw siya ni Barbie na mag-motor.

“Dati kasi, naiilang akong ipaalam kasi alam ko, halos lahat ng girls, medyo ayaw kapag motor. Ngayon, medyo okay na.”

Nagkaroon daw sila ng deal ni Barbie. Nang mineyk-apan daw niya ito sa isa sa content ng YouTube channel nito, pumayag na raw ang girlfriend na mag-motor siya.

Maingat naman daw siya sa pagmomotor dahil alam niyang nag-aalala ito. Si Barbie rin daw ang bumili ng mga safety gears niya sa motor.

Regalo raw nito sa kanya noong first anniversary nila habang siya naman, niregaluhan ito ng aso.

Nakausap namin si Jak sa naging mediacon ng “Bubble Gang” for its 24th anniversary. Tatlong taon na si Jak sa “Bubble Gang” at kasama siya sa two-part anniversary special, a telemovie superhero na “The ScAvengers” na mapapanood sa November 15 & 22. Isa si Jak sa gaganap bilang cohorts ni Allan Peter Kuya Thanos played by Michael V naman.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More