Una sa Balita

Paghuhubad ni Lovi aprub kay Grace Poe

By
0 530

Minsan pang pinatunayan ni Lovi Poe na hindi isyu sa kanyang half-sister na si Sen. Grace Poe ang pagiging mapangahas niyang maghubad sa kanyang trabaho bilang aktres at bilang isang model-celebrity product endorser.

Nag-post si Lovi ng selfie photo nilang dalawa ni Sen. Grace, sa hindi na nito sinabing lugar at sa kung anong okasyon.

Sa caption, ipinahayag ni Lovi ang malaki niyang pagmamahal at pagpapa­salamat sa pagkakaroon niya ng kapatid na gaya ni Sen. Grace.

“So much love for this wo­man…glad I have you @sengracepoe,” sabi ni Lovi.

Sa reply comment ng senadora nagpahayag rin ito ng pagmamahal kay Lovi. Tinawag pa niya itong dear at pinuri ang pagiging walang takot nito sa pagiging isang independent.

At sa huli ng kanyang komento, sinabi niyang “beautiful woman” si Lovi at karespe-respeto.

“I am proud of you, Dear. You are intelligent, fiercely independent and kind…a beautiful wo­man in every respect,” sabi ni Sen. Grace patungkol kay Lovi.

Magkaiba ang image nina Lovi at Sen. Grace dahil na rin sa pagkakaiba ng kanilang propesyon. Madalas na nakabalandra ang mga sexy photo ni Lovi suot ang bikini at bra lang.

May mga pagkakataong halos hubo’t hubad na ito. ‘Yun marahil ang tinatawag ni Sen. Grace na fiercely independent.

Samantalang conservative, simple ang imahe naman ni Sen. Grace bilang isang matapang na senadora. Pero magkadikit ang kanilang mga puso sa pagmamahal, pagtanggap at respeto sa kani-kanilang mga propes­yon.