Una sa Balita

Paghuhubad ni Beauty pinagsawaan na

By
0 1,169

Sinita si Beauty Gonzales ng mga Instagram subscriber dahil sa kanyang mga sexy picture. Makikita sa Instagram ni Beauty na panay ang post niya ng kanyang mga bikini picture.

Ang sabi ng iba, “So tired of this woman getting naked all these time especially showing her pasty body.”
Dagdag pa ng isa, “Parang last week ka pa hubad ng hubad ah… damit na!”

Sinagot naman ni Beauty ang comment ng basher, “Aww, di mo na kaya? Sige my next post is especially dedicated to you. Sana wag ka na ma-tired”.

Habang ang responde naman niya sa isa ay, “Ikaw pakita naman! Para mag-enjoy 14 followers mo?! Please?”

Well, hindi pa rin naman nawala ang mga natutuwa sa mga sexy picture ni Beauty at mas lalo pang ineenganyo ang aktres na mag-post. Inspirasyon pa nga ng ilang kababaihan ang katawan ni Beauty dahil medyo chubby nga ito noon, at ngayon ay talagang sexy na kahit may anak na ang aktres!

So anyway, tinupad nga ni Beauty ang request ng kanyang basher na dapat ‘wag na magpaseksi! Sunod na post ng aktres ay balot na balot na siya!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy