Una sa Balita

Paghingi ng ‘sorry’ ni Agot sa kampo ni PDu30, fake news!

By
0 2

Hindi pa rin tinatantanan si Agot Isidro ng kanyang mga bashers dahil sa pagi­ging vocal nito sa paglaban tungkol sa administrasyon ni Pres. Rodrigo Duterte. Kelan lang ay may fake news daw na lumabas tungkol kay Agot na ikinagulat mismo ng actress-singer.

Sa naturang fake news, ito ang nakalagay: “ANTI TO PRO?: Agot Isidro humingi ng tawad sa kanyang post.”

Agad na may sagot si Agot via Twitter at sinabing wala raw siyang ginawang paghingi ng sorry.

Abante Hiring – IT dep

“Sa pagkakaalam ko, wala naman ganitong nangyari. Nagulat din naman ako.”

Lumabas ang naturang article sa website na ‘Blog di latestdutertenews’.

May quote pa ang website kay Agot na: “Sorry I was wrong to side to the opposition party. I’m sorry.”

Nakakuha ng maraming comments ang naturang article, karamihan ay nagsasabi na fake news iyon.