Una sa Balita

Paghingi ng saklolo, posible na gamitan ng cellphone

0 85

Sa patuloy na pagsisikap ng lungsod na gawing handa ang bawat Valenzuelano sa anomang sakuna, ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, katuwang ang Imergex, ay bumuo ng isang mobile application na magbibigay kakayahan sa mga residente ng Valenzuela na makahi­ngi ng tulong sa pamama­gitan lamang ng pagpindot sa isang buton.

Ang Alert Button ay maaaring gamitin para sa police, medical at fire emergency. Sa pamama­gitan ng lokasyon na ini­laan ng isang smartphone user, ang app ay magpapadala ng emergency message sa Valenzuela City ALERT Center upang maalerto ang mga awtoridad.

Mayroon ding kakayahan ang Alert Button na makapagpadala ng mensahe sa itinalagang emergency contact ng user. Maaaring i-download nang libre ang Alert Button sa Google Playstore o Apple Appstore.

Ayon sa pinuno ng Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO) na si Dr. Arnaldo Antonio, matapos i-download ang app, kailangang persona­l na magtungo sa ALERT Center upang maipare­histro at beripikahin ang account. Ang user ay hihingan ng balidong pagkakakilanlan.

Ang prosesong ito ay daan upang masigurado na hindi magagamit ang app sa mga biro o prank.