Una sa Balita

Paghahanda ng Gilas tatalakayin ni Guiao

0 315

PANGUNGUNAHAN ni National basketball team head coach Yeng Guiao ang Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum Martes sa Amelie Hotel-Manila.

Makakasama ni Guiao sa weekly forum si PBA Commissioner Willie Marcial upang talakayin ang mga paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa 2019 FIBA World Cup sa China ngayong darating na Agosto.

Bahagi ang San Miguel Corp. Tapa King, Amelie Hotel at ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), pag-uusapan din sa diskusyon ang pagbuo sa men’s cage team para naman sa papalapit na 30th Southeast Asian Games sa bansa.

Iniimbitahan ang lahat ng miyembro ng PSA na dumalo. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy