Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paggasta sa pondo ng bayan babantayan – ACT-CIS

0 168

Matapos pagtibayin ang General Appropriations Act for FY 2021 at dalawang iba pang pamamaraan na nagpapalawig sa validity ng 2020 GAA at ng Bayanihan 2, inihayag ni ACT-CIS Partylist at Benguet Caretaker Representative Eric Yap ang commitment na bantayan ang matuwid na paggasta ng pondo ng mga mamamayan.

Ayon kay Yap, responsibilidad niya bilang pinuno ng Appropriations Committee ng Kongreso ay hindi nagtatapos sa pagpapatibay ng budget.

Aniya, bukod sa kanyang regular committee work, binabantayan rin niya kung paano ginagamit ang budget sa buong taon.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Tiniyak naman ni Yap na bawat piso na galing sa buwis ng mga mamamayan ay didiretso sa kapakinabangan ng mga ito.

“Our responsibility as the Appropriations Chair does not end once the budget is enacted. Aside from our regular committee work, we will exercise the oversight function of the Committee to look into how the budget will be spent throughout the year. Sisiguruhin natin na ang bawat piso na galing sa buwis ng mamayang Pilipino ay diretso sa kapakinabangan nila,” ani Yap.

“Isa rin sa bubusisiin natin ay kung paano ginastos ang Bayanihan 1 at 2, lalo na sa mga ahensya na kung saan marami tayong natanggap na reports ng irregularidad. Itong dalawang batas na ito ipinasa para tulungan ang ating mga kababayan na higit na naapektuhan ng pandemya, lalo na yung mga nawalan ng hanapbuhay at walang panggastos para sa pamilya. If we uncover proof of corruption and irregularities, heads should roll,” pahayag pa ng partylist solon.

Dagdag pa niya, ito ay naaayon sa direktiba ni Pang. Rodrigo Duterte na paigtingin pa ang anti-corruption efforts ng pamahalaan.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.