Una sa Balita

Paggamit ng renewable energy isinulong

0 168

DISMAYADO na ang mil­yong konsyumer ng Manila Electric Company (Meralco) dahil sa sobrang taas ng singil sa kuryente nito.

Batay sa survey ng Pulse Asia na iniulat ni Dr. Ana Tabunda, 84 porsi­yento sa Metro Manila ang nasasaktan sa si­ngil ng Meralco habang 66 porsiyento naman sa pang­kalahatan ang dismayado.

“On top of Meralco’s monopoly of the power distribution in the Greate­r Manila Area, Meralco and its co-owned generation companies are hell-bent in pursuing the appro­val of their power supply agreements which will add another 3.5 GW of dirty and expensive coal,” ayon kay Sanlakas Secretary General Atty. Aaron Pedrosa.

Abante Hiring – IT dep

Ipinunto pa ni Pedrosa na 82 porsiyento ang pabor sa panibagong electric service provider o electric utility upang tuluyan nang puksain ang pamamayani ng Meralco sa pagbibigay ng kuryente.

 “The dismay of many of the respondents manifests that the affordabi­lity of electricity and the energy source has become a major concern for many Filipinos,” ayon naman kay Power for People (P4P) Convenor Gerry Arances.

Iginiit ng grupo ang napapanahon nang tangkilikin ng pamahalaan ang tinatawag na renewa­ble energy na bukod sa ligtas ito sa kalikasan ay magiging mababa pa ang presyo ng kuryente para sa taumbayan.