Una sa Balita

Paggamit ng marijuana pasok sa Comprehensive Dangerous Drugs Act

By
0 285

Hindi na kailangan ng Pilipinas ng panibagong batas upang pahintulutan ang paggamit ng marijuana sa medikal na pangangailangan dahil ang mismong kasalukuyang Comprehensive Dangerous Drugs Act ay sumasang-ayon sa ideyang ito.

Ito ang inilahad ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, isa sa mga may akda ng batas.

Aniya, higit na pinapayagan ng polisiya ng batas ang ganitong ideya upang mabalanse at matugunan ang medikal na pangangailangan ng isang pasyente.

“The government shall aim to achieve a balance in the national drug control program so that people with legitimate medical needs are not preven­ted from being treated with adequate amounts of appropriate medications, which include the use of dangerous drugs,” bahagi ng batas na ipinahayag ng Senate President.

Ayon pa kay Sotto, isinagawa ang polisiya sa pamamagitan ng Food and Drug Administration (FDA) circular kalakip ang issuance ng compassio­nate special permit.

Nagbibigay ang FDA Circular 2014-009 ng access sa drugs at medisina na hindi rehistrado sa bansa para lamang sa compassionate use.

Subalit, nilinaw ni Sotto na ang aplikasyon para sa substance permit mula sa FDA ay responsibilidad ng attending physician.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy