Una sa Balita

Paggamit ng litrato: Kobe Paras asar-talo

By
0 776

Ibinahagi ni Gilas cadet Kobe Paras sa socmed ang kanyang pagkadismaya nang gamitin ng FIBA 3×3 ticket outlet ang kanyang larawan lalo’t hindi naman siya kasama sa nasabing event na gaganapin sa Philippine Arena simula sa Hunyo 8.

Kitang-kita ang 6’5” forward sa litrato lalo’t nasa gitna pa ito kasama ang iba pang manlalaro mula sa iba’t ibang panig ng bansa.

“Why y’all using this pic? I’m not even apart of this tournament” ayon sa tweet ng 20-anyos na si Paras.

Suportado ng mga netizen ang na­ging pahayag ni Paras na sinabi pang false advertisement ang ginawa ng ticket outlet upang mas lalong makabenta.

Si Paras ang isa sa pinakasikat na basketbolista pagdating sa 3×3 pagkatapos magwagi sa 2015 3×3 Dunk contest.

Kaagad namang bi­nura ng ticket outlet ang post ngunit hindi nagpaliwanag ukol dito.