Una sa Balita

Paggamit ng drone sa Davao hihigpitan

By
0 718

INATASAN ngayon ni Davao City Ma­yor Sara Duterte ang konseho na bumuo ng isang ordinansa na nagtatakda ng mga restriction kaugnay ng paggamit ng mga drone sa kalunsuran.

Ayon kay Mayor Sara, kailangang magkaroon ng polisiya sa paggamit ng drone kasunod ng ulat na ginagamit itong armas o weapon ng masasamang loob sa ibang lugar.

“There are areas outside Davao City that drones were being used as a weapon. We don’t want this to happen in our city that is why we want to craft an ordinance for this,” sabi pa nito sa isang interview.

Gayunman, habang wala pang batas na nagtatakda tungkol sa paggamit ng drone, sinabi ni Mayor Sara na kailangan pang kumuha ng permit o permission sa Davao City Police Office (DCPO) at Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang sinumang gustong magpalipad ng drone.

“Right now, drone flying is under the supervision of CAAP especially in areas near the routes of the airplane,” sabi pa nito.

Hindi na idinetalye ng alkalde kung paano ginagamit na weapon ang drone. Inirekomenda na nito ang kanyang proposal sa Committee on Public Safety and Security na pinamumunuan ni Coun. Ma. Belen Acosta.

Kailangan umano ng ordinansa para matiyak na ligtas gamitin ang mga drone na pinapalipad sa kalunsuran.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy