Una sa Balita

Paggamit ng common sense isama sa direktiba

By
0 598

Panahon na upang mas maging detal­yado at malinaw ang ilalabas na memorandum o direktiba ng sinumang ahensiya ng ating gobyerno.

Dapat ay isama na sa direktiba o memo ang utos na paggamit ng sinuman ng common sense o sintido kumon.

Napakarami kasing pangyayari sa pagkilos ng pamahalaan sa isinagawang enhanced community quarantine o lockdown kaugnay ng covid-19.

Isang halimbawa na lang sa mga awtoridad na tumatao sa checkpoint upang maipatupad ang mga kautusan at panuntunan sa lockdown sa Metro Manila at buong Luzon.

Isang halimbawa na lang iyong personal kong nasaksihan ng harangin­ ng PNP Highway Patrol Group (HPG) sa kahabaan ng EDSA ang mga pumapasadang taxi.

May isang taxi na may sakay na taong may sakit at nagpapahatid sa Hospital samantalang ang isa pang pasahero ay papunta ng airport at kanyang ipinakita na ang plane ticket.

Pero Hindi ito pinalusot ng PNP-HPG ay ang kanilang sagot lang ay kailangang hintayin pa ang order sa ‘itaas’ daw o sa kanilang mga opisyal.

halos 4 na oras na naghintay ang pasahero bago dumating ang opisyal ng PNP HPG at ang desisyon ay pinatawad ang mga taxi driver at pinaalis na din kasabay ng babala.

Pero kung gumamit lang sana ng common sense ang ilang tauhan ng PNP-HPG ay hindi na sana naabala iyong may flight na papuntang airport at higit sa lahat ay agad na nalapatan ng lunas ang may sakit na pasyente.

Mayroon din eksena sa boundary ng Quezon City at San Mateo Rizal na kahit pa nagpakita na ng ID ang isang tao na residente ng Rizal ay binalewala ito ng mga pulis at muling ginamit na naman ang katagang hihintayin pa ang order sa itaas.

Sa mga susunod na memo dapat ay idetalye na ng mga opisyal na utusan ang kanilang tauhan na gumamit ng common sense at kung puwde ng pagpasyahan ay huwag ng hintayin ang mga opisyal upang hindi na makapagdulot ng perwisyo sa taumbayan.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More