Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Paggamit ng Aspirin sa COVID patient posibleng nakamamatay

0 51

Winarningan ng Department of Health ang madla laban sa paggamit ng aspirin sa mga pasyenteng may COVID-19 dahil posibleng magdulot ito ng kamata­yan sa halip na paggaling.

Ginawa ng ahensiya ang pahayag kaugnay sa kumakalat na pekeng impormasyon online na nanghihikayat gumamit ng Aspirin dahil hindi raw mula sa virus ang COVID-19 kundi mula sa bacteria.

SM food to go Banner Ad

Giit ng DOH, isang uri ng virus ang COVID-19 at hindi bacteria kaya maling ipainom sa pasyente ang aspirin nang walang abiso ng doktor dahil ito ay ‘delikado at mapanganib’.

Ang Aspirin ay ibinibigay lang umano sa mga pasyente na kailangang ma-admit sa ospital at may malalang COVID-19. (Juliet de Loza-Cudia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.