Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagdisiplina sa anak

0 182

May mga naririnig akong kwento sa kapwa magulang na naging pagsubok pa ang pandemya dahil mas dumami ang oras na kasama natin ang mga anak natin sa bahay lalo na at hindi sila pwedeng lumabas.

Biro nga ng ilan, kung kailan mas madalas magkasama, madalas din ang pagtatalo. Kapag matigas ang kanilang ulo at sumasagot, mas umiiksi ang pisi natin dahil na rin naaaburido tayo sa mga problemang dala ng COVID-19. Napapadalas na ang ating panenermon, at minsa’y nauuwi pa sa pamamalo.

Narito ang ilang paraan ng pagdidisiplina na hindi na kailangang humantong pa sa pamamalo o sakitang pisikal.

1. Dapat maintindihan muna natin na ang ating paninigaw, pamamalo, ay mga reaksyon natin sa kanilang mga ginagawang sa tingin natin ay mali. Pero hindi ibig sabihin nito ay namamanage natin ang kanilang behavior. Bago, mag-react, huminga muna ng malalim at kalmahin ang sarili.

SM SuperKidsDay Banner Ad

2. Tanggapin nating tayo bilang mga magulang ang mas dapat umunawa. Kapag sinusumpong ang maliliit nating mga anak, may mga gusto silang hindi nila macommunicate sa atin. Hirap din silang maintindihan ang ilang bagay sa paligid kaya bago pa man natin sila sigawan o pagalitan, tanungin muna natin sa sarili natin kung ano kaya ang posibleng dahilan kung bakit sila may tantrums.

3. Be connected sa ating mga anak. Kapag sinigawan o sinermunan natin ang anak natin, ang tendency ay, una, pwedeng sigawan din tayo pabalik dahil ganoon ang ipinakita natin sa kanila, o pangalawa, lumayo ang loob nila sa atin na mas magiging dahilan pa ng di pagkakaunawaan. Mahalaga ang pagkakaroon ng koneksyon dahil dito natin sila mas makikilala at kung ano ang kailangan nila.

4. Siguraduhin na nakikita rin natin ang magaganda nilang ginagawa. As parents, minsan nakakalimutan na natin silang papurihan sa mga maliliit na bagay na kanilang ginagawa. Huwag nating iparamdam sa kanila na puro mali na lang ang nakikita natin sa kanila.

5. Pakinggan natin sila. Para maiwasan ang pangangatwiran, bigyan natin sila ng pagkakataon na magsalita o magpaliwanag bago magbigay solusyon sa problema. Kung napapansin natin na may pattern ang kanilang ‘misbehaviors’, subukan natin silang kausapin tungkol dito.

Lagi nating tatandaan na kung mahirap at mabigat sa atin ang adjustment sa quarantine at ‘new normal’, paano ba kaya sa ating mga anak? Sa gitna ng panahon na walang kasiguraduhan, iparamdaman natin sa kanila na makakasigurado silang buo ang ating suporta, pagmamahal at pagkalinga sa kanila.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.