Una sa Balita

Pagdinig sa 4-game ban ni Messi

0 7

ZURICH — Diringgin ngayon (Manila time) ng International Football Federation ang apela ni Lionel Messi sa four-match ban sa kanya sa World Cup qualifying dahil sa pang-iinsulto sa isang referee’s assistant.

Pero hindi inaasahang makukuha agad ni Messi ang kanyang kagustuhan.

Nakagawian na ng FIFA appeals panel na magdetalye ng hatol nila sa loob nang tatlong linggo sa mga hindi naman apurahang kaso. Ang susunod pang laro ng Argentina sa World Cup qualifier ay laban sa Uruguay sa Agosto 31.

Abante Hiring – IT dep

Naisilbi na ni Messi ang unang match ban sa kanya na hinatol ng FIFA disciplinary committee ilang loras nang tumaob ang Argentina kontra Bolivia 2-0 noong Marso.

Na-ban si Messi ng FIFA tapos hindi iulat ng match officials ang pang-aabuso ng Argentina captain sa linesman bago natapos ang 1-0 win ng Aregntians sa Chile noong Mar. 23.