Una sa Balita

Pagdawit sa oposisyon sa ‘Red October’ plot, estilong Martial Law – VP Leni

By
0 420

LABIS na ikinaalarma ni Vice President Leni Robredo ang pag-uugnay sa kanya sa umano’y ous­ter plot laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na binansagan ng Armed Forces of the Philipines (AFP) na ‘Red October’ dahil ang ganitong estilo ay katulad noong panahon ng Martial Law para patahimikin ang oposisyon.

Ayon sa Pangalawan­g Pangulo, kung hindi man nakakatawa ay napaka­delikado ang pag-uugnay sa ligal at lehitimong opposition groups sa mga grupong nagnanais na patalsikin ang Presidente.

“Recent allegations by key leaders of the Armed Forces of the Phi­lippines (AFP) regarding a supposed plot to oust the President would be laughable if they were not so dangerous. For while the claims themselves are absolutely ridiculous, the attempt to delegitimize various opposition groups and personalities by linking them to an alleged extra-constitutional “plot” is alarming,” ayon kay Robredo sa inilabas nitong statement.

Giit ni Robredo, dapat umanong ipaalala na bahagi ng demokrasya at Saligang Batas na binibigyang proteksyon ang karapatang magsalita ang sinuman laban sa gobyerno upang ipaabot ang kanilang mga hinaing.

Dahil dito, ayon sa Pangalawang Pangulo, walang basehan ang alegasyon lalo na at nanggaling pa ito sa ilang matataas na opisyal ng AFP kasabay ng pagka­bahala na maging ang Sandatahang Lakas ng bansa ay napopolitika na rin.

“Baseless allegations that link my involvement in legitimate opposition activities with illegal actions, particularly when they come from high ranking mi­litary officials, undermine not just the opposition but also our democracy. They politicize the AFP, subvert Constitutional protections, and weaken a crucial mecha­nism for ensuring public accountability,” ayon pa sa Pangalawang Pa­ngulo kasabay pa ng pagsa­sabing, “We must recall that bran­ding cri­tics as criminals was the same draconian tactic employed by the Martial Law Regime to strip the opposition of its voice. And that this silencing of the opposition was a prelude to establishing a regime of corruption, abuse, and dictatorship.”

Kaya paalala ni Robredo, sa mga ‘men and women’ ng AFP na pa­ngunahin nilang sinumpaang tungkulin ay ang protektahan ng sambayanan, ipagtanggol ang demokrasya at tumalima at sumunod sa konstitusyon.