Una sa Balita

Pagdating ni Maine sa ‘Pinas: Alden lumipad pa-Iceland, ibang girl ang kasama

0 3,103

abante-i-know-better-jun-nardo

Ngayon ang balik sa “Eat Bulaga” ni Maine Mendoza ayon sa manager niyang si Rams David. Pero sorry na lang sa mga fan nila ni Alden Richards dahil umalis ito last Tuesday para pumunta sa Iceland ayon sa kanyang handler.

Ang kasama ni Alden sa pag-alis ay ang VP for Creative ng “Eat Bulaga” na si Jenny Ferre. Wala kaming nakuhang impormasyon kung bakasyon o hindi ang dahilan ng pag-alis nila.

Hindi man magkasama sa Valentine episode ng “Eat Bulaga” hindi pa rin nagbabago ang pagmamahal ng AlDub Nation kina Alden at Maine!

Kaloka lang dahil hindi talaga sila nag-abot sa “Eat Bulaga,” ha! Pagdating ni Maine, siya namang alis ni Alden!

Ouch, hindi nga sila magkasama sa V-day! Na expected naman, lalo na at alam naman natin na may Arjo Atayde si Maine, ‘di ba?

Barbie dedma sa pakikipaghalikan ni Jak sa ibang babae

Happy Valentine’s Day mga Ka-Abante!

Well, ngayong gabi, hindi na magtatago sina Barbie Forteza at Jak Ro­berto upang i-celebrate ang Araw ng mga Puso, hindi tulad noong nagsisimula pa lang ang kanilang relasyon. May plano rin silang lumabas ngayong araw na ito pero hindi pa alam ng Kapuso actor ang sorpresa para sa girlfriend.

“Mas relax na nga­yon. Hindi na po naiilang. Dati kasi may ilang ‘pag hinahawakan ko siya sa kamay. ‘Pag hinahawakan ko siya sa mukha,” saad ni Jak sa relasyon nila ni Barbie na kasama niya sa bagong Kapuso series na “Kara Mia.”

“May show kasi si­yang may ka-partner na iba noon. Hindi rin kasi kami showy kaya hindi namin pinapaalam sa iba. Saka Barbie Forteza na siya kaya hindi muna ako nanligaw sa kanya. ‘Yung parents niya ang una kong niligawan! Ha! Ha! Ha!” sabi pa ni Jak.

Kumusta naman si Barbie bilang girlfriend?

“Maalaga. Nag-a-advice rin siya sa akin sa mga kailangan ko pang iba. Sa damit. Very girlfriend,” tugon ni Jak.

Hindi raw sila nag-aaway dahil halos parehas ang kanilang gusto.

“Parehas kaming hindi nagba-bar, ‘di gumigimik. Parehas kaming mahilig sa ramen. Parehas ka­ming mahilig manood ng mo­vies. Mahilig kami sa Korean (food).
“Tapos, mapagmahal sa pamilya!” rason ng Kapuso actor.
Selosa ba si Barbie?
“Hindi naman. Sa totoo lang, maraming dahilan para siya magselos. Hindi siya ganoon. Nu’ng nag-Contessa ako, tatlong beses akong nagkaroon ng kissing scene. Alam niya naman ‘yon. Hindi naman siya nagreklamo. Hindi siya nagselos,” diin niya.

Nu’ng unang magsama sila sa series na “Meant To Be,” type na niya si Barbie?

“Actually noon pa po. Pero hindi ko inaasahan na magiging. Before kasi, tagahanga lang ako. Wala akong lakas ng loob na ligawan siya. Sa akin, Barbie Forteza siya. Ako nagsisimula pa lang. Crush-crush lang talaga,” katwiran ni Jak.

Eh ano naman ang puwede niyang love advice sa mga lover ngayon?

“Tiwala lang sa isa’t isa!” sey ni Jak.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy