Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Pagdanganan, Ardina hahampas sa Maryland

0 53

SA may ilang taon na nilang pagkampanya bitbit ang ‘Pinas at pagsuporta ng ICTSI (International Container Terminal Services, Inc.), magka-flight sa unang pagkakataon sina Bianca Isabel Pagdanganan at Dottie Ardina sa isang leg ng Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour.

Magsisimula sila sa 10th hole kasabayan si Caroline Masson ng Germany sa alas-9:17 ng umaga sa siklab ng 73rd LPGA 2022 Leg 16 $9M (P492M) 68th KPMG Women’s PGA Championship sa Huwebes (Biyernes sa Maynila) sa Congressional Country Club-Blue Course sa Bethesda, Maryland.

Umaasa sina Pagdanganan at Ardina ng walang presyur at makakapagsumite nang magarang resulta sa kabila na astig ang mga kalaban sa 156-player, third major event ng Tour ngayong taon. Ang top 70 plus ties makaraan ang two rounds ang mga aabante sa weekend play.

Maangas ang simula ni Pagdanganan sa 67 sa nakaraang linggong Meijer Classic sa Michigan, pero nawala sa kontensyon sa pares ng 72 saka sinara ang laro sa 70 upang sumalo sa pang-49, samantalang kinapos ng isang palo para ma-cut si Ardina. (Ramil Cruz)

Leave A Reply

Your email address will not be published.