Una sa Balita

Pagcor tumigil sa pagbibigay ng ayudad

0 312

PANSAMANTALANG ititigil ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), simula ngayon (Nobyembre 14) ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa medical financial assistance.

Ang desisyon ng Pagcor na huwag munang tumanggap ng mga aplikasyon para sa tulong pinansyal ay kasunod ng insidenteng kinasangkutan ng mag-asawang nagtangkang linlangin ang ahensya sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga pekeng dokumento.

Nabatid na ang mga suspek na hindi pinangalanan ay naaresto ng mga operatiba ng Manila Police District (MPD) matapos mahulog sa isang entrapment operation ay nahaharap ngayon sa kasong falsification of public documents by a private individual.

Hanggang hinihintay ang resulta ng imbestigasyon sa nasabing kaso, hindi muna tatanggap ng anumang hiling para sa medical financial assistance ang ahensya.

Nagbanta rin ang Pagcor sa mga indbidiwal na nagpaplanong magsagawa ng kahalintulad na panlilinlang para lamang makakuha ng tulong pinansyal.

Sinabi ng Pagcor na hindi makakalusot ang mga magtatangkang manloko sapagkat dumadaan sa masusing pagsusuri ang lahat ng mga aplikasyong natatanggap para sa medical financial assistance. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy